Best Lesson Plan Using Creative Strategy with the Complete Set of Materials
Banghay
Aralin sa Araling Panlipunan
Ika-8
na Baitang
Kasaysayan
ng Daigdig
I. Layunin
Sa
katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naiisa-isa ang mga
taong may kontribusyon sa Renaissance;
B. Napipili ng tama ang
mga taong may ambag sa Renaissance, at
C. Naisasabuhay ang tunay
na diwa ng Renaissance sa pamamagitan ng pagpili ng gusto nilang baguhin sa
kanilang bansa sa kasalukuyan.
II. Nilalaman
A.
Paksa: Pag-usbong ng Renaissance
B.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig
Pahina: 302-307
C.
Kagamitan: Visual-aids, larawan, pisara, yeso, power point laptop, projector,
white screen
III. Pamamaraan
A.
Panimulang Gawain
Gawain ng Guro
|
Gawain ng Mag-aaral
|
1. Panalangin
Pangunahan
mo ang panalangin (pangalan ng mag-aaral)
2. Pagbati
Magandang
Hapon!
Bago
kayo magsiupo ay ayusin muna ang inyong upuan at pulutin ang kalat sa inyong
paligid
3. Pagtala ng liban
May
lumiban ba sa Unang grupo?
Ikalawang
grupo?
Ikatlong
grupo?
Ikaapat
na grupo?
4. Balik-Aral
Ano
ang inyong natatandaan sa nakaraang aralin?
|
Magandang
Hapon din po Ma’am Reslyn!
Wala
po!
Wala
po!
Wala
po!
Wala
po!
(
Ideya ng mga mag-aaral)
|
B. Pangganyak
Gawain ng Guro
|
Gawaing ng Mag-aaral
|
Gawain:
“Buuin at tukuyin kung ano ito’’
Ang
guro ay magbibigay sa bawat grupo ng mga pirasong larawan at kanila itong
bubuuin at tutukuyin kung ano ito.
|
C.
Pagpapahayag
Gawain ng Guro
|
Gawaing ng Mag-aaral
|
Ang
ating aralin ngayon ay ang “Pag-usbong ng Renaissance,” Ano nga ba ang Renaissance?
Tama!
Ang ibig sabihin ng Renaissance ay muling pagkabuhay o Rebirth. Sa inyong
palagay bakit nagkaroon ng Renaissance?
Mahusay!
Dahil sa panahon ng Dark Ages naging laganap ang mga sakit, nagkaroon ng
digmaan at suliraning pang-ekonomiya. Saan naman unang umusbong ang
Renaissance?
Magaling!
May ideya ba kayo kung bakit sa Italya ito umusbong?
Mahusay!
Dahil ang lokasyon nito ay nasa pagitan ng hilagang-kanlurang Asya at
kanlurang Europe, kaya malaki ang papel nito sa kalakalan ng dalawang
rehiyon. Sa tinging niyo ano pa?
Napakagaling!
Dahil naitaguyod at napanatili ng mga unibersidad sa Italya ang kulturang
klasikal at ang mga teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng mga Griyego at
Romano at dito sinilang ang mga Humanista. Sino nakakaalam kung ano ang
humanista?
Tama!
Sila ay tinatawag na Humanist o humanista, ito ay mula sa salitang Italian na
nangangahulugang ‘’guro ng humanidades, particular ng wikang latin’’ Sila ang
mga taong nanguna at nagbigay pansin sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon
ng Greece at Rome. Ano naman ang pinag-aaralan sa Humanidades o Humanities?
Mahusay!
Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanista na dapat gawing modelo
ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito. Ngayon ay
aalamin natin ang mga taong nag ambag sa iba’t ibang larangan sa Renaissance.
Una na rito ang mga nag ambag sa larangan ng Sining at Panitikan, (Ipapakita ang larawan ni Francesco
Petrarch) Sino siya?
Magaling!
May ideya ba kayo sa kanya?
Mahusay!
Siya ang “Ama ng Humanismo” Ano ang pinakamahalagang isinulat niya?
Tama!
Ito ay isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si
Laura. (Ipapakita ang larawan ni William Shakespeare) Sino siya?
Magaling!
May ideya ba kayo tungkol sa kanya?
Mahusay!
Ano ang mga isinulat niya?
Magaling!
(Ipapakita ang larawan ni Miguel de Cervantes) Kilala niyo ba siya?
Tama!
May ideya ba kayo tungkol sa kanya?
Magaling!
Ito ay aklat na kumukutya at ginawang katawa-tawa sa kasayksayan ang
kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period. Ngayon naman ay kilalanin
natin ang mga taong nag ambag sa larangan ng Pinta (Ipapakita ang larawan ni
Michelangelo Bounarotti)
Mahusay!
May ideya ba kayo sa kanya?
Tama!
Ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Bukod dito ano pa ang
iba niyang mga obra?
Mahusay!
(Ipapakita ang larawan ni Leonardo da Vinci) Kilala niyo ba kung sino ang
nasa larawan?
Magaling!
May ideya ba kayo kung ano ang kanyang pinaka tanyag na obra maetsra?
Tama!
Ang Huling Hapunan o Last Supper ay nagpapakita ng huling hapunan ni Kristo
kasama ang labindalawang apostol. Bukod sa pagiging pintor sa anong larangan
pa kilala si Leonardo da Vinci?
Magaling!
Si Leonardo da Vinci ay isang henyo sa iba’t bang larangan hindi lamang siya
isang pintor. (Ipapakita ang larawan ni Raphael Santi). May ideya ba kayo
kung sino siya?
Mahusay!
Siya ay kilala bilang?
Tama!
Siya ang pinakamahusay na pintor ng Renaissance dahil sa pagkakatugma at
balance o proporsiyon sa kanyang mga likha. Anu-ano naman ang mga tanyag
niyang likha?
Magaling!
Ngayon naman ay dumako tayo sa mga taong nag-ambag sa larangan ng Agham sa
Panahon ng Renaissance. (Ipapakita ang larawan ni Nicolas Copernicus). Sino
siya?
Tama!
May ideya ba kayo sa kanya?
Magaling!
Ito ay tungkol sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta
at umiikot din ito sa paligid ng araw. (Ipapakita ang larawan ni Galileo
Galilei) Sino siya?
Mahusay!
May ideya ba kayo sa kanya?
Magaling!Malaki
ang naitulong ng kaniyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang
Teoryang Copernican. (Ipapakita ang larawan ni Sir Isaac Newton) Sino siya?
Tama!
May ideya ba kayo tungkol sa kanya?
Magaling!
Sang-ayon sa kaniyang Batas ng Universal Gravitation, na kung saan ang bawat
planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung
bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ano ang napansin niyo sa mga
taong may ambag sa Renaissance?
Mahusay!
Karamihan sa kanila ay puro lalaki, pero may kababaihan ang tinaggap sa mga
unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman,
hindi ito naging hadlang upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang
ambag sa Renaissance. Ang mga kababaihan sa Renaissance. (Ipapakita ang
larawan ni Isotta Nogarola) Siya si Isotta Nogarola na may akda ng Dialogue
on Adam and Eve, Oration on the Life
of St. Jerome. (Ipapakita ang larawan ni Laura Cereta) Siya naman si Laura
Cereta na nag sulong ng isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral ng
humanistiko para sa kababaihan at sa pagsulat naman ng tula ay sina
(Ipapakita ang larawan nina Veronica Franco at Vittoria Colonna) Sila ay si
Veronica Franco at Vittoria Colonna.
|
Ito
po ay muling pagkabuhay
Ma’am,
dahil po nagkaroon ng Dark Ages.
Ma’am,
sa Italya po
Ma’am,
dahil po sa lokasyon nito.
Dahil
po sa mga Unibersidad
Ma’am
sila po ang mga nanguna sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon ng Greece at
Rome at Humanidades.
Ma’am,
tungkol po sa wikang Latin at greek, komposisyon, retorika, kasaysayan, at
pilosopiya, at maging ang Matematika at Musika.
Ma’am,
si Francesco Petrarch po
Ma’am,
siya po ang Ama ng Humanismo
Ma’am,
songbook po
Ma’am,
siya po si William Shakespeare
Ma’am,
siya po ang Makata ng mga Makata
Sagot
1: Juluis Caesar
Sagot
2: Romeo at Juliet
Sagot
3: Hamlet
Sagot4:
Anthony at Cleopatra
Sagot
5: Scarlet
Ma’am,
si Miguel de Cervantes po
Ma’am,
siya po ang nag sulat ng nobelang “Don Quixotede la Mancha”
Ma’am!
Siya po si Michelangelo Bounarotti
Ma’am,
siya po ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance.
Ma’am
La Pieta po at ipininta niya rin po ang pinagmulan ng sandaigdigan sa Sistine
Chapel.
Ma’am
siya po Leonardo da Vinci
Ito
po ay ang Huling Hapunan o Last Supper
Ma’am
isa rin po siyang arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista,
musikero, atpilosoper.
Siya
po si Raphael Santi.
Ma’am
kilala po siya bilang isang “Perpektong Pintor”
Ma’am
ang mga kilala niya pong mga likha ay Sistine Madonna, Madonna and the Child
at Alba Madonna.
Ma’am,
si Nicolas Copernicus
Ma’am,
siya po ang naglahad ng Teoryang
Heliocentric.
Ma’am,
si Galilleo Galilei
Ma’am,
isa po siyang astronomo at matematiko noong 1610
Ma’am,
si Sir Isaac Newton po
Ma’am, ang higante ng siyentipikong Renaissance
Ma’am,
puro po lalaki
|
D. Paglalahat
1. Ano ang Renaissance?
2. Bakit sa Italy sumibol ang Renaissance?
3.
Paano binago ng mga ambag ng Renaissance ang pananaw at kultura ng Europe?
IV. Pagtataya
Bawat grupo (10pts)
Aktibidad 1: Ang bawat
grupo ay pipii ng limang miyembro upang maging representante ng kanilang grupo.
Magkakaroon ng tig-iisang katanungan ang bawat representante ng bawat grupo at
sila at pipila o tatapat sa mga letra na may kalakip na sagot na nakadikit sa
blackboard.
Indibidwal (Sanaysay
10pts)
Aktibidad
2: Kung muling magkakaroon ng Renaissance, alin sa mga sumusunod ang gusto mong
mabago, magbago o baguhin? Pumili ng dalawa at ipaliwanag.
A. Sa
Pulitika
B. Sa
Relihiyon
C. Sa
Edukasyon
D. Sa
Kaugalian at Tradisyon
E. Sa
Komunikasyon
G. Sa
Pamilya
V. Kasunduan
Sagutin
ang Pamprosesong mga tanong ( 1-11) sa pahina 308 at ilagay sa 1 whole sheet of
paper.
Reflection
Why
this is my best lesson plan? Because I’ve applied here everything that I’ve
learned from my professors and cooperating teacher and this is my final demo’s
lesson plan. I called this best, because I a lot plenty of time and I made this
wholeheartedly bind with experience. I think for the best method that suits to
the lesson, activities that will capture student’s attention. Maybe it is not
the best lesson plan for others but it is the best for me because i know to
myself what I have done in this.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento