Examples of Lesson Plan Used (Detailed, Semi-Detailed and Brief)


Detailed








Semi-Detailed
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN VII
(Kasaysayan ng Asya)
I. Layunin
            Sa katapusan ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1)  naiisa-isa ang mga dahilan nang pananakop ng mga kanluranin sa mga bansa sa      Silangan at Timog-Silangang Asya;
2)  nakagagawa ng venn diagram na tumutukoy sa magkaibang katangian ng una at ikalawang yugto nang pananakop ng mga kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya at ang mabuting epekto nito sa mga bansang nasakop;
3)  naipapakita ang kahalagan at mabuting naidulot ng pananakop ng mga kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa isang sanaysay.
II. Paksang Aralin
Paksa: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Sangguniang Aklat: Asya Tungo sa Pagkakaisa.
Awtor: Kalihim Br. Armin A. Luistro, FSC at Pangalawang Kalihim Dina S. Ocampo, PhD
Kagamitan: Pisara, yeso, projector, laptop, widescreen, power point presentation at visual aids.
Konsepto: Paano nakaapekto ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
A.I Panalangin
                        Patatayuin ang mga mag-aaral at sila ay mananalangin.
A.II Pagbati
                        Babatiin ang mga-aaral ng buong galak at sigla.
A.III Pagtatala ng Lumiban
                        Itatala kung ilan ang liban ng klase.
A.IV Pagbabalik Aral
                        Magbibigay ng buod ang mga mag-aaral sa nakaraang paksang tinalakay.
B. Pagganyak
            Magpapakita ng apat na larawan na naglalarawan sa kolonyalismo, imperyalismo at Asya upang mahulaan ng mga mag-aaral ang mga salitang naka-jumbled ang letra (omsilaynolok, yalismoimper at aysa).
C. Talakayan
            Tatalakayin ang mga dahilan ng mga kanluranin sa pagsakop nila sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Tatalakayin din ang mga naging mabuti at masamang naidulot nang pananakop ng mga kanluranin.
D.Paglalahat
Dahil lubos na naintindihan ng mga mag-aaral ang talakayan, gagawa sila ng sanaysay na nagpapakita ng kahalagan at mabuting naidulot ng pananakop ng mga kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
IV. Pagtataya
Hahatiin sa apat na grupo ang klase at sila ay gagawa ng venn diagram sa pisara na tumutukoy sa magkaibang katangian ng una at ikalawang yugto nang pananakop ng mga kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya at ang mabuting epekto nito sa mga bansang nasakop.
V. Takdang Aralin
Magbasa tungkol sa pag-usbong ng nasyonalismo sa iba’t ibang bansa Silangan at Timog-Silangang Asya.



Brief
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN VII
(Kasaysayan ng Asya)
I. Layunin
            Sa katapusan ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1)  naiisa-isa ang mga dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya;
2)  nakagagawa ng fishbone diagram na tumutukoy sa iba’t ibang dahilan ng pagusbong ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya at ang mabuting epekto nito sa mga bansang nasakop;
3)  naipapakita ang kahalagan ng nasyonalismo sa isa bansa sa pamamagitan ng pagawa ng sanysay.
II. Paksang Aralin
Paksa: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Sangguniang Aklat: Asya Tungo sa Pagkakaisa.
Awtor: Kalihim Br. Armin A. Luistro, FSC at Pangalawang Kalihim Dina S. Ocampo, PhD
Kagamitan: Pisara, yeso, projector, laptop, widescreen, power point presentation at visual aids.
Konsepto: Anu-ano ang dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
A.I Panalangin
                        Patatayuin ang mga mag-aaral at sila ay mananalangin.
A.II Pagbati
                        Babatiin ang mga-aaral ng buong galak at sigla.
A.III Pagtatala ng Lumiban
                        Itatala kung ilan ang liban ng klase.
A.IV Pagbabalik Aral
                        Magbibigay ng buod ang mga mag-aaral sa nakaraang paksang tinalakay.


B. Pagganyak
            Magpapakita ng mga larawan nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Ho Chi Minh at Sukamo, at huhulaan ng mga mag-aaral kung ano ang ibinunga ng kanilang pangunguna sa kanilang mga kababayan.
C. Talakayan
            Tatalakayin ang iba’t ibang dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa iba’t ibang bansa sa Silangan at Timong-Silangang Asya at kung ano ang naidulot nitong mabuti sa kanilang bansa.
D.Paglalahat
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng sanysay na nagpapakita ng halaga ng nasyonalismo at ang mabuting naidudulot nito sa isang bansa
IV. Pagtataya
Hahatiin ang klase sa dalawa at sasagutan ang fishbone diagram na nagpapakita ng iba’t ibang dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa bansang nabunot nila, at isusulat din nila kung ano ang mabuting ibinunga nito sa bansang nabunot nila.
V. Takdang Aralin
Sa isang buong papel ang mga mag-aaral ay gagawa ng sanaysay kung paano nila maipapakita ang kanilang damdaming nasyonalismo para sa kanilang bansa.



Reflection

                Making a lesson plan is quite easy, because since third year college I’ve already doing this. I’ve mastered making a lesson plan. From my professor of PoT 1 to my cooperating teacher, I’ve applied what I’ve learned from them. But what makes making a lesson plan hard? It is the activities that you should consider, making a lesson plan everyday whether it is detailed, semi-detailed or brief is easy but thinking for an activity that will suits the lesson and will capture the attention of the students is really hard because you need to consider many factors, but at the end of the day as a student-teacher and full pledge teacher someday we should manage to conquer these difficulties that we’ve encountered.  

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

A Brief Description of the Site of practice Teaching

Best Lesson Plan Using Creative Strategy with the Complete Set of Materials